Puwede umanong magbigay ng babala ang sukat ng waistline kung sobra na at delikado na sa kalusugan ng tao kapag lumalaki na ito. Ang sobrang taba sa tiyan, puwede raw magdulot ng mga delikadong sakit tulad ng diabetes at sakit sa puso. Ano nga ba ang mga dapat gawin para lumiit muli ang tiyan? Panoorin ang payo sa programang "Pinoy MD."
Mayroon umanong dalawang uri ng taba sa tiyan na kung tawagin ay subcutaneous at visceral fat na maaaring magdulot ng diabetes, hypertension at sakit sa puso.
Sa mga lalaki, delikado na umano kung umabot na sa mahigit 40 inches ang waistline. Samantalang senyales na dapat na umanong mag-diet ang babae kapag 35 inches na ang baywang
Alamin ang mga payo kung ano ang mga dapat gawin para mapaliit ang tiyan tulad sa mga pagkain na dapat iwasan o bawasan. Panoorin:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
