Matagal na panahon na nanatiling walang pangalan ang isang datu na mula sa Pampanga na kabilang sa mga unang nagbuwis ng buhay upang ipaglaban ang noo'y kaharian ng Tondo laban sa mananakop na mga kastila.
Nang magsimula ang digmaan sa Tondo dahil sa pagdating ng mga kastila, sumaklolo ang ibang mga kaibigan, kamag-anak at mga kaalyadong datu na kasama ang kanilang mga tauhan na nagmula sa Navotas, Bulacan at Pampanga.
Sakay ng mga karakoa o mga bangka, tinatayang 200,000 magigiting na mandirigma ang dumating sa Tondo para harapin ang mga dayuhang mananakop at naganap ang tinatawag na ngayong "Labanan Sa Bangkusay."
At kabilang umano sa mga unang nagbuwis ng buhay para ipagtanggol ang kalayaan ay isang datu na nagmula sa Macabebe, Pampanga, na matagal na panahon na hindi napangalanan.
Hanggang sa dumating ang panahon na natukoy ang kaniyang katauhan at makikita na ngayon sa Macabebe ang kaniyang monumento na si "Bambalito."
Tunghayan ang "i-Witness" report ni Sandra Aguinaldo at alamin ang mayamang kasaysayan ng Tondo na malayo sa nakasanayang mga kuwento ngayon ng kaguluhan at maraming siga:
Click here for more GMA Public Affairs videos
--FRJ, GMA News
