Kabilang sa bahagi ng buhay na pagdadaanan ng mga kababaihan ang "perimenopausal stage." Kailangan nga ba ito mararamdaman, at ano ang mga sintomas? Alamin sa pagtalakay na ito ng programang "Pinoy MD."
Ayon sa resident OB-Gynecologist ng "Pinoy MD" na si Dr. Raul Quillamor, dumarating ang perimenopausal stage limang taon bago maging menopause ang babae, at isang taon matapos ang menopausal period.
Maidedeklara umanong menopause na ang babae kung hindi na siyang nagkakaroon ng buwang dalaw sa loob ng isang taon.
Ilan umano sa mga nararamdaman ng mga babaeng nakararanas ng perimenopausal stage ay pagkahilo, madaling mahapo o mapagod, irregular menstruation, at kung minsan ay walang ganang makipaglambingan kay mister.
Alamin sa video na ito ng "Pinoy MD" kung ano ang mga dapat na gawin kapag nasa perimenopausal stage:
Click here for more GMA Public Affairs videos.
-- FRJ, GMA News
