Ang pagiging alerto sa makikitang post sa social media ng isang kaibigan o mahal sa buhay na may matinding pinagdadaanan ay maaaring makasalba ng buhay.  Alamin ang mga tinatawag na "signs and red flags" sa social media post.

Ayon sa eksperto, kabilang sa mga palatandaan na maaaring may problemang kinakaharap ang isang tao ay makikita sa tindi ng kaniyang inilalagay na post sa social media na kadalasang negatibo, at kung gaano ito kadalas.

Bukod dito, naglalagay pa umano ng kanilang komento ang taong may problema sa sarili nilang post na indikasyon na kailangan na niya ng atensiyon.

Pero kung mapapansin na kailangan na ng kaibigan o mahal sa buhay ng kausap, sinabi ng eksperto na hindi siya dapat na tanungin ng, "Are you okey?"

Ano nga ba ang dapat gawin kapag may napansing na ganitong post ng kaibigan o mahal sa buhay bago maging huli ang lahat. Alamin sa video ng ito ng programang "Mars."


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News