Sa patuloy na paghahanap ni Ryan Mendoza sa kaniyang tunay na ina, may mga bagong impormasyon na lumutang. Ito na kaya ang magiging daan para matuldukan na ang kaniyang pahahanap? Maging positibo rin kaya ang resulta ng DNA test nila ni Mang Dominador para mabuo ang kaniyang pagkatao? Panoorin.
Sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," lumutang ang pangalan na Gina Molina, na sinasabing tunay na pangalan ng hinahanap na ina ni Ryan.
Si Ryan, bumalik na si Italy habang hinihintay ang resulta ng DNA test nila ng hinihinalang ama niya na si Mang Dominador.
Mula nang ipalabas sa "KMJS" ang kuwento ni Ryan, maraming ginang ang nagpadala ng kanilang larawan at detalye na nagsasabing posibleng sila ang hinahanap ni Ryan.
Gayunman, nang ipakita ang kanilang mga larawan sa mga taong nagkaroon ng kaugnayan sa hinahanap na si Gina, pawang hindi sila kombinsido na si Gina ang mga babaeng nagpadala ng mga larawan sa "KMJS."
Pero isang may-ari ng bar na pinagtabahuhan daw ni Gina ang nagbigay ng bagong impormasyon na hindi "Molina" kung hindi "Castillo" raw ang tunay na apelyido nito.
At dahil sa paniwala na sadyang nagpapalit ng pangalan ang mga babaeng nagtatrabaho sa bar, hinanap at nakita nila ang sinasabing si "Gina Castillo."
Si Gina Castillo na nga ba ang "Gina" na tunay na ina ni Ryan? At mula sa Italy, malalaman na rin ni Ryan ang resulta ng DNA test nila ni Mang Dominador kung tunay na ba silang ama. Alamin ang kasagutan sa video na ito ng "KMJS."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
