Normal nang isinilang si Gerald Coronado pero nang magbibinata na, unti-unting lumaki ang kaniyang mga binti hanggang sa tuluyan na siyang hindi nakalakad. Mula noon, mistula na siyang nabilanggo sa kaniyang upuan na gawa sa kawayan. Ano nga bang sakit ang dumapo kay Gerald at may-ari pa kaya siyang gumaling? Panoorin.

Mula nang hindi na makalakad si Gerald dahil sa sobrang paglobo ng kaniyang mga binti, ang upuan na gawa sa kawayan ang kaniyang naging higaan, kusina at maging palikuran. 

Sa harap naman kaniyang mahirap na kalagayan, nasa likod niya ang kaniyang mga magulang at mga kapatid upang tulungan siya at mapagaang ang kaniyang saloobin.  

At kamakailan lang, sa unang pagkakataon sa nakalipas na tatlong, makakaalis si Geral sa kaniyang kinauupuan para madala sa ospital at masuri. Tinutukan ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang pagtukoy sa uri ng sakit na dumapo sa binata. Panoorin:

PAALALA, MASELAN ANG VIDEO:

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News