Ilang linggo nang tinututukan sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang paghahanap ni Ryan Mendoza, na umuwi sa Pilipinas kamakailan mula sa Italya para hanapin ang kaniyang tunay na ina. Ngayon, dalawang babae na nagpakilalang tunay na ina ni Ryan ang kinunan ng DNA sample para alamin ang katotohanan. Isa kaya sa kanila ang bubuo na sa pagkatao ni Ryan?
Sa episode ng "KMJS" nitong Linggo, may panibagong impormasyon na lumitaw matapos matunton ang kinaroroonan ng pamilya ng lalaking sinasabing nakabuntis kay Maritess Tolentino, ang isip-batang ginang na nagpapakilalang ina ni Ryan.
Gayunman, may mga impormasyon na ibinigay ang pamilya ng naturang lalaki na hindi tugma sa kuwento ng kampo ni aling Maritess.
Samantalang si Gina Castillo, naninindigan sa kaniyang kuwento at paniwala na anak niya si Ryan na unang inampon ng tindera ng isda na si Toyang.
Habang hinihintay ang kasagutan sa kung sino ang tunay na ina ni Ryan, kilalanin pa at alamin ang ilang detalye sa naging buhay niya sa Italy.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
