Matapos matagpuan ni Ryan Mendoza ang kaniyang nawalay na ina na si Marites, may panibagong misyon at hahanapin ang programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" — si Luneta Santos, na kapatid sa ina ni Ryan.
Kuwento ni Marites, tulad ni Ryan, ipinaampon din niya sa kaibigan ang kaniyang anak na si Luneta o Leonie. At ngayong nakasama na niya si Ryan, hangad ni Marites na makasama rin si Luneta para mabuo na ang kaniyang pamilya.
Kaugnay nito, isang babae na nagnganagalang Roselyn Santos Pablo ang nagpadala ng mensahe sa "KMJS" na naghihinala na baka siya ang hinahanap na anak ni Marites matapos niyang mapanood ang panawagan ng pinaniniwalaan niyang ina.
Alamin ang mga bagong sikreto sa buhay ni Marites na mabubunyag. Si Roselyn nga kaya ang nawawala niyang anak na si Luneta? Panoorin ang video na ito ng "KMJS."
Click here for more GMA Public Affairs videos
-- FRJ, GMA News
