Kahit kapapanganak lang, pinili ng isang guro sa isang liblib na lugar sa Sorsogon na bumalik na sa pagtuturo dahil batid niya na kulang sila ng guro sa paaralan at ayaw niyang mapabayaan ang pag-aaral ng kaniyang mga batang estudyante.

Para hindi niya iwanan ang kaniyang mga estudyante, dinadala na lang sa kaniya ang kaniyang sanggol na anak para mapasuso sa isang sulok ng silid-aralan at magampanan pa rin niya ang kaniyang tungkulin sa anak.

Panoorin ang pagsasakripisyo ng mga guro at ang kanilang kuwento sa video na ito ng "Reel Time."


 

Mayroon din mga ina na nagpasyang maging volunteer teachers sa mga paaralan sa Sorsogon para hindi mapagkaitan ng edukasyon ang mga bata sa kanilang komunidad.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News