Isang pasyalan sa Bagac, Bataan ang tiyak na magpapabalik sa iyo sa nakaraang panahon dahil makikita rito ang mga lumang gusali at mga bahay. Ngunit hindi lang ang mga mata ang mabubusog sa magagandang tanawin kung hindi maging ang kaalaman dahil sa mga kasaysayang nakapaloob sa bawat tahanan tulad ng mansion ni Don Lorenzo Alonzo, ang tiyuhin ni Dr. Jose Rizal. Panoorin.
--FRJ, GMA News
