Matapos na maitampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" at nakumpirma na tunay na perlas ang dala ni Mang Andoy na tinatayang milyong piso ang halaga, may iba pang nagsasabi na may iniingatan din silang mga higanteng perlas.

Samantala, susubukan naman ni Mang Andoy na mabawi ang kaniyang perlas na naisangla niya sa isang negosyante na maaaring magpabago sa kaniyang mahirap na buhay.

Iyon nga lang, sa panayam ng "KMJS" sa misis ni Andoy na una niyang sinabi na iniwan siya dahil sa mahirap nilang buhay, iginiit ng ginang hindi totoo ang kaniyang mga kuwento.

Maliban sa hindi raw totoo na  nasisid ni Andoy ang perlas, hindi rin daw totoo na Yolanda survivor sila, at wala raw itong ipinadalang pera para sa kanilang mga anak. 

Panoorin ang ginawang pagtutok ng "KMJS" tungkol sa paghahabol ni Mang Andoy sa kaniyang perlas, at alamin din kung saang lalawigan mayroon umanong mga nagkalat na giant pearls na ginawan na ng museum.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News