Sa ngalan ng kanilang sinumpaang tungkulin na magturo sa mga batang mag-aaral, kahit walang suot na life vest ay sinusuong ng ilang guro ng Dalagsaan Integrated School sa Aklan ang panganib nang rumaragasang ilog marating lang ang kanilang paaralan at makapagturo sa mga kabataan.

Panoorin sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ang kahanga-hanga at nakaaantig na kuwento ng mga guro, na kabilang ang isang buntis, na kailangang tawirin nang 14 na ulit ang Aklan River, at buong manghapon na naglalakbay makarating para makarating sa paaralan.

Ang mga mag-aaral naman, ipinarating ang labis nilang pasasalamat sa sakripisyo at pagtataya ng buhay kanilang mga guro para sa kanila.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News