Bilanggo ng kaniyang mga kapansanan na hindi nakakakita, hindi nakaririnig at hindi nakapagsasalita si Irish. At hindi man nais na gawain ng kaniyang mga magulang, kailangan na itali nila ang mga kamay at paa upang hindi niya masaktan ang kaniyang sarili. Ang tanging nakapagpapakalma sa kaniya, ang laruang bola na kaniyang niyayakap.
Alamin ang nakaaantig na kuwento ng buhay ng siyam na taong gulang na si Irish ng Malolos, Bulacan sa episode na ito ng programang "Tunay Na Buhay."
Sa kabila ng kaniyang kalagayan at mga pagsubok sa buhay, hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Irish na bubuti ang kaniyang kalagayan.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
'TUNAY NA BUHAY'
Batang may kapansanan, kailangang itali ang kamay at paa para 'di saktan ang sarili
Enero 3, 2019 10:38pm GMT+08:00
