Umibig sa iisang lalaki at kapwa naanakan sina Jesselle at Aida. Pero dahil bawal na pag-ibig ang pinasok ni Aida, pinili niyang lumayo hanggang mailuwal ang kambal niyang anak na lalaki, na hindi nasilayan ang kanilang ama.

Si Jesselle, nagkaroon din ng kambal na anak na babae, na kahit sa maigsing panahon ay naalagaan ang kanilang ama bago pumanaw sa sakit.

Pagkaraan ng maraming taon, nalaman na ng kambal na lalaki kung sino ang kanilang ama at ang pagkakaroon nila ng mga kapatid na kambal din. Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ng kanilang pagtatagpo at kumustahin din ang relasyon nina Jesselle at Aida ngayon. Panoorin.




Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News