Marami ang humanga sa isang ama na nag-viral ang larawan sa social media na makikitang nakayapak habang dumadalo sa graduation ng kaniyang anak. Ang naturang lalaki, tinawag ng netizens na "Super Dad" dahil sa disenyong "S" ni Superman na nakalagay sa kaniyang damit.

Natunton ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" sa isang liblib na lugar sa Oriental, Mindoro, ang tirahan ng ama na nakilalang si Mang Bernie, isang mangyan. Dahil sa kahirapan, hindi niya alam na nag-viral ang kanilang larawan at hindi rin pala niya alam kung ano ang "S" na nakalagay sa kaniyang suot na damit.

Kilalanin sa video na ito si Mang Bernie na hindi lang pala isang mabuting ama, kung hindi isa ring mabuting tao para sa kaniyang mga kapitbahay. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News