Sa kabila ng pagkakaroon nila ng clubfoot o pagbaluktot ng mga paa, patuloy na lumalaban ang magkapatid na sina Ivan, Ashley, at Princess Paog para sa maisaayos ng kanilang mga paa.
Sa programang "Front Row," makikita na hindi kaila kina Ivan at Ashley ang paghihirap sa pagsemento ng kanilang mga binti, na dinagdagan pa ng pangungutya ng mga bata.
Sinabi ni Dr. Teresita Altre, isang Pediatric Orthopedic Surgeon, na ang kondisyong clubfoot ay isang congenital deformity na may tatlo hanggang apat na uri: nakapasok ang forefoot, naka-invert, at nakababa ang paa.
Kuwento ng kanilang inang si Ilyn Paog, na walang mga kamay, matagal nang gusto ng kaniyang mga anak na makapagsandalyas at magsapatos.
Panoorin kung paano humuhugot ng lakas si Ilyn para maging matatag ang kaniyang mga anak. — Jamil Santos/MDM, GMA News
