Ilang pamilya na ang nabuo sa tulong ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" dahil sa masigasig na paghahanap sa mga kaanak na nagkawalay. Sa maraming pagkakataon, mga anak ang naghahanap sa kanilang mga tunay na magulang.
Pero sa pagkakataong ito, isang mag-asawang dayuhan na mula sa Canada ang umuwi ng Pilipinas para hanapin ang tunay na ina ng bata na kanilang inampon at itinuring nilang tunay na anak.
Alamin sa video na ito kung bakit kinailangang bumalik sa Pilipinas ang mag-asawang Ginny at Hart pagkaraan ng 35 taon mula nang ampunin nila ang batang Pinoy na si Allan. Makita kaya nila ang babae na kanilang hinahanap?
Panoorin ang ipinakitang pagmamalasakit ng mag-asawang Ginny at Hart para pa rin sa kanilang anak na si Allan, at papaano nila naisipan na lumapit sa "KMJS."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
