Tapat sa kani-kanilang asawa, at walang bisyo sina Bobong at Marlon, pero nang dahil sa isang sakit na parehong tumama sa kanila, iniwan sila ng kani-kanilang karelasyon. Ang bunso naman nilang kapatid na si Elizer, na dinapuan din ng naturang sakit, nagpasya na lang hiwalayan ang nobya at hindi na rin nag-asawa dahil sa takot na matulad sa kaniyang mga kuya.

Tunghayan ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" at alamin kung anong karamdaman ang dumapo sa tatlong magkakapatid. At sa kabila ng kanilang karamdaman, nananatili naman ang kanilang pananampalataya at ang pagmamalasakit ng kanilang mga mahal sa buhay. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News