Nang ibigin daw ni "Perla" ang kaniyang naging mister, hindi raw siya naniwala sa mga sabi-sabi na manloloko sa babae ang mga seaman o mga "seaman-loloko." Pero nang maging mag-asawa na sila, sunod-sunod na raw ang nabalitaan niyang pangangaliwa ng mister.
At para malaman ang katotohanan na may bago na namang kinalolokohan ang kaniyang mister, parang eksena sa pelikula na sumugod si Perla sa bahay ng babae at nakita nga niya doon ang kaniyang asawa, na todo-tanggi sa alegasyon.
Sapat na nga ba ang ebidensiya ni Perla na kasuhan ang babae at kaniyang mister ng pakikiapid , o si Perla ang puwedeng makasuhan dahil sa pagsugod sa bahay ng babae? Alamin ang detalye sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
