Isang panukalang batas ang inihain sa Senado na nagnanais na parusahan ang mga anak na pababayaan ang kanilang tumatanda o maysakit na magulang. Pero ang tanong ng ilan, dapat pa bang magkaroon ng batas tungkol dito?

Sa programang "Unang Hirit," ipinaliwanag ng parenting at relationship consultant na si Maria Isabel Sison-Dionisio na sadyang mahirap mag-alaga ng tumatandang magulang dahil "slowing down" na ang kanilang pacing.

Taliwas ito sa panahon na inaalagaan ng magulang ang kanilang mga anak na nasa "fast lane" pa.

Ayon kay Dionisio, kakailanganin ng tiyaga ng mga anak kung isasama nila sa kanilang tirahan ang kanilang mga magulang. Depende rin umano ito sa kanilang naging relasyon sa kanilang nanay at tatay noong maliliit pa lamang sila.

Posibleng mayroon umanong hindi pumabor sa naturang panukalang batas lalo na kung hindi naging maganda ang relasyon ng magulang sa kanilang mga anak.

Panoorin ang buong pagtalakay sa naturang paksa, at alamin kung nakabubuti para sa mga tumatandang magulang na ipasok na lang sila sa home for the aged.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News