Sa maliit niyang bahay sa Ormoc, tahimik na namumuhay at nagtitiis sa matagal na niyang karamdaman si Mang Romulo. Ang kaniya kasing mukha, mistulang lumobo. At ang lahat ay nagsimula raw sa pagkakaroon niya ng sipon.

Kuwento niya sa programang "Front Row," dati siyang gumagawa ng mga lamesa nang sa hindi inaasahan ay may tila alikabok na pumasok sa kaniyang ilong.

Kinalaunan, lagi na siyang sinisipon at nababahing, hanggang sa magsimula nang mamaga ang kanang bahagi ng kaniyang ilong at mata.

Sinubukan naman niyang ipatingin sa duktor ang kaniyang karamdaman at uminom ng mga gamot pero walang nangyari hanggang sa tuluyan nang mamaga at lumobo ang buo niyang mukha. Dahil dito, hirap na siyang kumilos, hirap na ring kumain at hindi na makakita.

Tunghayan ang kuwento ng patuloy na pakikipaglaban ni Mang Romulo sa kaniyang karamdaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung ano nga ba ang dahilan ng paglobo ng kaniyang mukha. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News