Nang itampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang  istorya tungkol sa hinahanap na "Revolution Years Tunnel" sa Cavite, at may P200,000 pabuya sa makapagtuturo nito, nakatanggap ang programa ng mga impormasyon tungkol sa tatlong lagusan na pinaniniwalaang ang tunnel na hinahanap.

Lubhang mahalaga raw sa kasaysayan ng Cavite at maging ng bansa ang nawawalang lagusan o tunnel dahil ito raw ang ginamit ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng pananakop ng Kastila, at maging ng mga Pinoy na lumaban noon sa mga Hapon.

Ang mga itinimbreng lagusan sa "KMJS,"  nakitaan daw ng mga maliliit na uka na pinaniniwalaang lalagyan ng sulo o siga, at may mga nakaukit ding sulat na hinihinalang salita ng Kastila.

Mahanap na nga kaya "nawawalang" lagunan, at mapupunan na ang nawawalang bahagi ng pahina ng kasaysayan ng Cavite? Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News