Kasabay ng mga bagyo ang pagbaha na maaaring pagmulan ng mga sakit. Kabilang sa mga sakit na ito ang leptospirosis na maaaring magdulot ng kamatayan kung hindi maagapan. Pero taliwas sa akala ng marami, hindi lang pala sa ihi ng daga maaaring makuha ang peligrosong sakit.
Sa programang "The Healthy Juan," sinabi ng mga duktor na kabilang sa sintomas ng pagkakaroon ng leptospirosis ang lagnat, pag-ubo paminsan-minsan, pananakit ng ulo at kalamnan, panginginig, panghihina, masakit ang tiyan, nagsusuka, at pamumula o maninilaw ng mata o balat.
Ang leptospirosis ay mikrobyo na mula sa ihi ng daga na humahalo sa tubig baha. Maaaring pumasok sa katawan ang mikrobyo kapag may sugat ang tao.
Pero bukod daw sa sugat o open wound, maaari daw na pumasok sa katawan ng tao ang mikrobyo sa tulad ng mata, ilong, bibig,
Sa loob ng katawan, inaatake ng bacteria ang bato o kidney ng tao, at maging ang iba pang organ tulad ng atay.
“Kung ihahalintulad natin sila sa ibang sakit, ito ay tinatawag nating Zoonotic kasi ito ay naisasalin magmula sa hayop patungo sa mga tao,” sabi ni Dr. Napoleon L. Arevalo, DOH-Director IV.
Pero hindi lang daw daga ang maaaring pagmulan ng leptospirosis. Maaari ding pagmulan ng sakit ang mga infected na hayop tulad ng baka, kambing at kalabaw.
Alamin ang naging karanasan ng mga biktima ng leptospirosis at papaano makaiiwas sa naturang sakit. Panoorin ang video na ito ng "The Healthy Juan."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
