Nang mag-post si Aldrin ng larawan sa social media na nananawagan na mahanap ang inakala niyang mga magulang, hindi siya nabigo. Pero natuklasan niya na ang mga taong ipinanawagan niya ay hindi pala niya tunay na mga magulang pero labis siyang minahal na parang tulay na anak.

Ngunit ang hindi siguro inasahan ni Aldrin, nang dahil sa pagsubaybay ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" sa kaniyang paghahanap, natunton din ang tunay niyang ama at ina na magkahiwalay na pero muling nagkasundo para sa kaniya.

Ang malaking tanong ngayon na kailangan pagdesisyon ni Aldrin: Kanino siya sasama? Sa mag-asawang kumopkop sa kaniya na una niyang inakala na tunay niyang mga magulang dahil sa naramdaman niyang pagmamahal, o ang tunay niyang mga magulang na sa unang pagkakataon ay makakasama na niya? Panoorin ang nakaantig na episode na ito ng "KMJS."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News