Makalipas ang dalawang taon mula nang makita ng isang magsasaka na itinago sa pangalang "Roger,"  ang nilulumot na rebulto na kulay ginto sa isang kuweba sa Agusan del Norte, nagpasya na siyang ibenta na ito para magamit ang pera sa kaniyang pamilya. Milyon nga kaya ang halaga nito?

Kuwento ng magsasaka, nababalot ng lumot ang rebulto na tinatayang limang kilo ang bigat at isang pulgada ang taas. Nang malinis niya, laging gulat ni Roger nang makita na kulay ginto ang katawan nito at tila metikuloso ang disenyo ng damit at korona.

Dahil natakot siya na baka nakawin ang rebulto, itinago na muna niya ito na pinaniniwalaan nila na posibleng milyon ang halaga tulad ng ibang rebulto na napulot tulad ng "Golden Tara."

At pagkaraan nga ng dalawang taon, nagpasya si Roger na subukang ibenta na ang rebulto para magamit na pangtustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya.  Milyon nga kaya ang halaga ng rebulto at ito kaya maging daan para makaahon sila sa kahirapan?  Tunghayan ang kasagutan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ GMA News