Ang ovarian cancer ang sinasabing ikalimang dahilan ng pagkamatay ng mga Pinay. Kadalasan kasi na "asymptomatic" o hindi nagpapakita ng mga sintomas ang sakit at malala na kapag natuklasan. Paano nga ba ito nakukuha at paano maiiwasan?

Sa programang "Pinoy MD," sinabi ni Dr. Raul Quillamor, Chief, Office of Professional Education and Training ng Amang Rodriguez Medical Center, na maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng ovarian cancer ang babae.

Isa na rito ang history ng cancer sa pamilya o sa mga kamag-anak, na nagpapataas ng "risk" ng ovarian cancer para sa isang babae.

Posible ring nangyayari ang abnormal mutation kung saan ang mutation ng normal cells ay may magmu-mutate sa abnormal cells.

Ilan sa mga sintomas ng ovarian cancer ang abdominal swelling o bloating, pakiramdam na laging busog, pananakit ng pelvis area, pagbaba ng timbang o weight loss at constipation.

Kaya naman maigi ang annual pelvic examination para matukoy na nang maaga ang ovarian cancer.

Tunghayan ang kuwento ni Nimfa de Guzman na na-diagnose ng ovarian cancer pero patuloy na lumalaban.

--FRJ, GMA News