Sa kaniyang panayam kay Manila Mayor Isko Moreno, tinanong ni Kuya Willie Revillame ang alkalde kung ano pa ang maaari niyang gawin ngayong marami ang naghihirap sa panahon ng COVID-19 crisis.

"Ito totoo 'to, galing sa puso, hindi ako politiko, alam mo 'yan. May sarili akong show, Wowowin, nagbibigay ng jacket, nagbibigay ng cellphone, nagbibigay ng gamot. Ngayon pinakikiusapan ko, ano pa ba ang mabibigay ko?" tanong ng Wowowin host kay Mayor Moreno.

"Ang dami kong naiisip na gawin para tumulong sa inyo na hindi ko kailangang humingi... Gagawa tayo ng paraan. Siguro one day, I'll talk to you, hihingi ako ng meeting sa 'yo, ano ang puwede nating gawin?"

Panoorin ang mensahe ni Mayor Isko Moreno sa mga Pilipino. — Jamil Santos/DVM, GMA News