Ngayong Semana Santa, marami sa mga Pilipino ang ginugunita ang pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus sa krus. Kilala sa paghahayag Niya ng Mabuting Balita, maituturing din ba Siyang isang rebolusyunaryo o aktibista?

Sa "Stand for Truth," ipinaliwanag ni GMA resident analyst Richard Heydarian na kung titingnan ang kasaysayan, nangaral si Hesus noong mga panahong inaapi ang mga Hudyo ng mga Romano.

Dahil dito, tumugon ang mga Hudyo sa iba't ibang paraan sa pang-aabuso ng imperyong Romano.

Nanggaling din si Hesus sa tradisyon ng mga propeta na nanawagan ng pagbabago at paglaban sa kawalan ng katarungan sa lipunan.

Kaya makikita ang "revolutionary spirit" ni Hesus noong sabihin Niyang "If anyone come to me and hate not his father, and mother, and wife, and children, and brethren, and sisters, yea and his own life also, he cannot be my disciple (Luke 14:26 KJV).

Nanawagan din si Hesus ng pagbabago at paglaban sa pang-aapi nang sabihin Niyang "Think not that I am come to send peace on earth: I came not to send peace, but a sword" (Matt. 10:34 KJV).

—Jamil Santos/LBG, GMA News

Editor's note: Si Hesus, ang pakahulugan dito sa kwentong ito, ay ang "historical Jesus" --paano siya namubay, nangaral, at bumabad, wika nga, sa masa.  Pagkatapos ng kanyang Muling-pagkabuhay ay binansagan na siyang "The Christ," na ang pakahulugan ay "the risen one". Saka pa lamang siyang tinawag na "Hesu Kristo."