May mga babae na sinasabing naghahangad na magkaroon ng malaking dibdib. Pero ang ilang babae na "nabiyayaan" nito, tila parusa ang pinagdadaanan dahil sa mga nararanasang pambabastos at 'di kanais-nais na mga komento sa kanila.

Isa na rito si Chris Cubelo, na sa edad na 22 ay 38-C na ang sukat ng bra. Bukod sa nakaranas na pambabastos sa jeep, nahihiya rin siyang bumili ng bra sa mall.

Dahil sa laki ng kaniyang hinaharap, sumasakit din ang kaniyang likod kapag nag-e-ehersisyo, at side view siya kung matulog.

Ngunit hindi raw malilimutan ni Chris nang makatanggap siya ng mensahe sa isang kakilala, na nag-chat ng "send boobs pls."

May dapat nga kayang baguhin sa kultura ng mga Pinoy tungkol sa mga babaeng may malaking hinaharap? Panoorin ang talakayan sa video na ito ng "Brigada."


--FRJ, GMA News