Ano nga ba ang dapat gawin sakaling may makapasok na magnanakaw sa inyong bahay at nandoon ang buong pamilya? Alamin ang payo ng eksperto.

Ayon sa eksperto, dapat na may matukoy na "safe place" o "panic room" sa bahay na puwedeng pagtaguan ng pamilya habang naghihintay ng saklolo.

Lubha umano kasing delikado kung haharapin o kokomprontahin pa ang magnanakaw lalo na kung armado ito.

Makabubuti rin umano na may nakalagay sa cellphone na emergency number ng barangay o pulisya upang madali silang matawagan sakaling kailanganin ang kanilang tulong.

Panoorin ang video na ito ng "Alisto" para sa iba pang tips laban sa mga kawatan.

--FRJ, GMA News