Kilala sa pagiging maliliit at pinapatubo lamang sa mga paso, kinagigiliwan din ng mga Plantito at Plantita ang Bonsai trees. Saan nga ba nanggagaling ang mga ito at paano ang tamang pag-aalaga sa ganitong uri ng halalan na sinasabing masuwerte.

Sa programang "Unang Hirit," inihayag ni Anthony Gedang, ng Bonsai and Suiseki Philippines, na hindi kamahalan ang gastos sa pagkuha ng nagsisimula pa lamang na Bonsai pero dapat itong paglaanan ng panahon upang maalagaan.

Nagbigay din siya ng ilang tips sa pag-aalaga ng naturang kakaibang puno tulad ng ilang beses itong dapat diligan at kailan dapat magpalit ng lupa. Panoorin.--Jamil Santos/FRJ, GMA News