Ngayong panahon ng modernong teknolohiya na digital na ang ligawan, isang coffee shop ang nakaisip na ibalik ang lumang kaugalian na idinadaan sa liham ang pagpapahayag ng damdamin.

Sa Dear Joe cafe na matatagpuan sa Bacoor, Cavite, may mga nakahandang papel at ballpen para sulatan ng mga kostumer.

Kapag nagawa na ang sulat, maaari na itong ihulog sa drop box na nasa cafe rin at sila na ang bahalang magpadala.

Ang sulat, matatanggap ng padadalhan sa loob ng dalawa hanggang anim na linggo.

Pero ano nga ba ang kaibahan ng mga ginawang chat at PM kumpara sa tradisyonal na pagsulat sa taong sinisinta?

Tunghayan sa video na ito ng "IRL" ang kuwento ni Lola Dely tungkol sa mga itinabi niyang liham ng namayapang asawa na si Lolo Ponching noong nanliligaw pa lamang. Panoorin.


--FRJ, GMA News