Asahan ang matinding tawanan at kulitan sa pag-guest ni Empoy Marquez sa GMA online show na “Your Honor” sa Sabado, na pagdiriwang na rin ng ika-anim na anibersaryo ng Youtube channel na YouLOL.
Sa pasilip na episode, ipinamalas ni Empoy hindi lamang ang angking galing niya sa pagpapatawa, kundi pati na rin ang lawak ng kaniyang kaalaman, tulad sa uri ng mga isda.
Ayon kay Mr. Vice Chair Buboy Villar, “iimbestigahan” nila ang pagiging pogi ni Empoy.
Sa isa pang teaser, tatalakayin din ni Empoy kung bakit unfair ang mundo sa pagdating sa mga “pangit.”
-- Jamil Santos/FRJ GMA News
