Isang pasyalan na malapit lang sa Metro Manila ang puwedeng rentahan ang buong isla sa halip na kubo o kuwarto lang.

Sa online program na "Pera Paraan," sinabing P2,500 ang renta sa buong isla para sa day-tour na makikita sa Cavinti, Laguna.

Gayunman, hiwalay sa bayad ng renta sa isla ang bayad sa dami ng tao na pupunta na nagkakahalaga ng P150 bawat isa. Bukod pa rito ang bayad sa bangkero para makapunta sa isla.

Mas mataas naman ang renta sa isla kung overnight itong gagamitin. Pero sulit naman ang bayad kung ang hanap ay mag-relax at magmuni-muni ng buong pamilya o tropa ngayong pandemic.

Kuwento ng may-ari ng isla, binili nila ito bilang regalo sa pamilya upang magkaroon ng bakasyunan. Pero nagbago raw ang lahat nang magkaroon ng pandemic at maapektuhan ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.

Alamin sa video kung papaano makakapag-book upang marentahan ang isla.
--FRJ, GMA News