Hindi inasahan ni Antonio Aquitania at tinawag niyang "the best" ang kakaibang birthday surprise na ibinigay sa kaniya ng mga katrabaho sa Kapuso series na "Ika-5 Utos." 

Nasa taping si Antonio at kinukunan ang eksena na nakaburol siya matapos na mamamatay ang kaniyang karakter sa serye na si Benjie.

Pero habang nakahiga sa ataul, dumating ang cast at crew ng serye na umaawit ng "Happy Birthday" may dalang cake.

"Eh yung sinorpresa ka ng katrabaho mo ng happy birthday.. pero patay ka sa eksena," sabi naman ni Antonio sa caption ng kaniyang video post.

 

 

Nakalagay naman na bahagi ng  caption sa video ng IG post ni Jean Garcia, "Ikaw lang makakagawa nyan!!! At sa pamilya #ika5utos din lang mangyayari mga ganitong pa-birthday surprise hahahaha! Maligayang kaarawan sa’yo kapatid!!! Mahal ka namin."

 

 

--FRJ, GMA News