Namangha ang may-ari ng bagong silang na kambing o guya sa Laoag, Ilocos Norte dahil sa hindi pangkaraniwan ang hitsura nito.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Martes, sinabing buhay nang isilang ang guya pero tila nabiyak sa gitna ang kaniyang ulo.

Nasa ilalim naman ang kaniyang mga mata at kakaiba rin ang hugis ng kaniyang bibig kaya hindi siya makakain.

Nalulungkot ang may-ari ng guya dahil namatay din ang kakaiba niyang alaga ilang oras matapos na isilang.--FRJ, GMA News