Madalas na ipinagsasawalang-bahala lang ng marami ang sakit ng ulo o headache dahil sa paniwalang mawawala rin naman ito. Pero kailan nga ba dapat maalarma kapag nakaramdaman ng pananakit ng ulo? Alamin.

Sa programang "Pinoy MD," sinabing may sakit ng ulo na kusang nawawala, at ang iba naman ay nakukuha sa simpleng sa pag-inom ng gamot.

Pero may mga palatandaan umano na dapat tandaan at kung kailangan nang sumangguni sa duktor lalo na kung paulit-ulit o hindi tuluyang nawawala ang sakit.

Ano-ano nga ba ang mga bagay na nagpapa-trigger sa pagkakaroon ng sakit ng ulo? Panoorin ang buong talakayan sa video na ito "Pinoy MD."

--FRJ, GMA News