Bago ikasal noong 2016, naging "low-key" muna o hindi gaanong nakikita ng publiko ang relasyon nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna. Sa programang "Tunay Na Buhay," ikinuwento nila kung paano sila bilang magnobyo noon, at kung paano nila inaalagaan ngayon ang anak nilang si Tali.

"Ako ang niligawan niya," biro ni Bossing tungkol sa pagsisimula ng pag-iibigan nila ni Pauleen.

"Ang kapal ng mukha! Grabe," natatawa namang sabi ni Pauleen.

"Before we got married, I think we were together for five years. Very low key, we like having dinners out, we go to Mass together as much as we can," sabi ni Pauleen.

ADVERTISEMENT

"Normal, very, very normal," paglalarawan ni Pauleen sa boyfriend-girlfriend relationship nila noon ni Bossing.

Ngayong mga magulang na kay Baby Talitha o mas kilala bilang si Tali, ikinuwento nina Vic at Pauleen na magkasalungat sila pagdating sa pagdidisiplina.

"Ako si bad cop palagi," pag-amin ni Pauleen.

"Siyempre!" mabilis na sagot naman ni Bossing nang tanungin kung agad siyang nagbibigay kapag may hinihingi sa kaniya si Tali.

"Influencer 'yan, influencer sa akin," dagdag niya.

Ayon kay Pauleen, may pagka-spoiled si Bossing Vic bilang ama kay Tali.

Natanong din ang mag-asawa kung sakaling gustuhin ni Tali na pumasok sa showbiz.

"Ako ang manager!" biro ni Vic.

"Hindi ko pipigilan 'yun kahit anong gusto niya. Ganu'n ako sa mga anak ko eh. 'Kung ano ang gusto niyo, basta makakabuti para sa inyo, eh 'di 100 percent support," sabi ni Bossing. --FRJ, GMA News