Proud ang "Owe My Love" star na si King Badger o Jon Gutierrez , na ang kaniyang asawa na si Jelai Andres ang decision maker pagdating sa kanilang relasyon.


Sa segment na ‘Mars Sharing Group’ ng programang "Mars Pa More," ipinaliwanag ni Jon na pareho sila ni Jelai na decision maker pagdating sa trabaho tulad sa paggawa ng kanilang vlog.

Pero sa usapin bilang mag-asawa, aminado si Jon na madalas na nakakagawa siya ng maling desisyon at mas mahusay sa kaniya si Jelai.

Hinangaan naman ni Iya Villania, isa sa host ng programa, ang pagiging tapat ni Jon nang aminin na nakagagawa siya ng mga maling desisyon. Panoorin ang buong panayam sa video.

--FRJ, GMA News