Ibinahagi ni Donnalyn Bartolome sa kaniyang vlog ang mga natanggap niya umanong 'indecent' proposals noon maging sa isang prinsipe.

Ayon kay Donnalyn, nakatanggap siya mga e-mail na nagsasabing handang magbayad para maka-date siya.

May prinsipe rin umano sa ibang bansa na nag-alok sa kaniya ng cash, gold at Lamborghini.

Kinumpirma naman ito ng kaniyang manager na si Toby Ayre.

Ayon kay Donnalyn, galit na galit ang manager niya kapag nakatatanggap siya ng mga naturang mensahe.

Napag-usapan ang mga indecent' proposal dahil may "poser" na gumagamit ng kaniyang larawan at naghahanap ng "sugar daddy."

Ayon kay Donnalyn, gusto niyang bigyan ng inspirasyon ang mga kababaihan na kayang alagaan ang kanilang sarili.

“You’re fine on your own. The only reason for you to be with someone is love — nothing else,” saad niya.— FRJ, GMA News