Nadawit ang pangalan ng aktres na si Cindy Miranda sa paghihiwalay ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Si Cindy ang katambal ni Aljur sa upcoming sexy-drama movie na “Nerisa.”

Isang netizen ang nagkomento nang mag-post si Cindy sa Instagram ng ilang larawan kasama si Aljur tungkol sa pelikula.

“Sana pure work lang kayo. Wag ka sana manira ng pamilya,” ayon sa netizen.

Maayos naman itong sinagot ni Cindy na: “Yes. Very professional. I'm not the third party, thanks [smiling emoji]."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cindy Miranda (@cindy)

 

Sa post ng aktres, makikita na ang kanilang mga karakter habang magkahawak ng kamay at may magkayakap din.

Nitong Huwebes, naglabas ng pahayag si Kylie tungkol sa paghihiwalay nila ni Aljur matapos na unang kumpirmahin ng kaniyang amang si Robin Padilla.

Hindi inaalis ni Robin ang posibilidad na may third party na sangkot sa paghihiwalay ng kaniyang anak at manugang.

Sa kabilang nangyari, sinabi ni Kylie na magkatuwang pa rin nilang itataguyod ni Aljur ang dalawa nilang anak na sina Alas at Axl. —FRJ, GMA News