Balik-trabaho na ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo.

Sa kaniyang vlog, ipinakita ng aktres sa kaniyang followers ang mga pangyayari nang bumisita siya sa unang pagkakataon sa studios ng GMA.

 

“It’s been a busy week (not complaining at all),” saad ng aktres sa description niya sa video.

Nag-taping si Bea para sa first guesting niya sa “Boobay and Tekla Show,” matapos maging opisyal na Kapuso noong July.

"It was very fun kasi lagi tayong nakakulong sa bahay, 'di ba?” anang aktres.

“But I also have to say, I have so much more respect for sa mga tao na ginagawa 'to like the crew, the staff, and artists," patuloy ni Bea.

Ayon pa sa aktres, "I'm so happy because I got to meet different people again in GMA and of course, I worked with my friends."

Naghahanda na rin si Bea para sa kaniyang first project sa GMA. — FRJ, GMA News