Ang mga stand-up comedian na bumubuo sa "Team Beki" ang kauna-unahang naka-jackpot ng P200,000 sa 'Family Feud' Philippines ng GMA.

Sa episode ng naturang show na hosted by Dingdong Dantes nitong Biyernes, tinalo Team Beki nina Petite, Pepay, Beki at Osang, ang Team Philippines na binubuo ng mga volleyball athletes na sina John Vic De Guzman, Joshua Retamar, Joshua Umandal at Jessie Lopez.

Sa jackpot round, nahulaan ng Team Beki ang ilan sa mga top answer sa survey question kaya naabot nito ang 217 points, at naiuwi ang P200,000 jackpot prize.

Maging si Dingdong ay napaluhod din sa saya sa pagkapanalo ng Team Beki.

Nakatanggap naman ng PhP20,000 ang chosen charity ng Team Beki.

Napapanood ang masayang Family Feud araw-araw, mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 5:45 p.m. sa GMA.-- FRJ, GMA News