Hindi pinayagan ng duktor si Kris Aquino na bumiyahe sa ibang bansa para sa kaniyang medical treatment.

Sa komento ni Kris sa Instagram post ni Angel Locsin, sinabi ng una tumaas ang kaniyang high blood pressure bago sana ang kanilang takdang pag-alis.

“My doctors didn’t clear me to travel, 140/92 waking BP, 136/93 pa rin until now. Hindi ko kakayanin ang long haul flight,” saad ni Kris. “Nag-asthma attack last night, more than [six] weeks of chronic sinusitis.”

Naalala rin ni Kris ang sinabi ni Angel na huwag muna siyang umalis na itinuturing niyang,  a “gift of, I don’t know if premonition or pang-awat.”

Ayon kay Kris, nasa airport na noon ang mga anak niya na sina Josh at Bimby.

“Ikaw kasi, last night, sinabi mo na ‘sana hindi ka pa makatuloy, Ate.’ I said, ‘Gel, please don’t be mean. You know kailangan na talaga.’ Then you said: ‘Sorry, Ate, selfish ako, ‘di pa ‘ko ready mag let go.’”

Hiniling ni Kris kay Angel na bisitahin siya. Tugon naman ni Angel: “Visit kita agad.”

 

Nitong nakaraang Abril, sinabi ni Kris na nakatakda na siyang bumiyahe at posibleng tumagal ng isang taon ang nanatili nila sa ibang bansa para sa kaniyang pagpapagamot.

Una rito, napag-alaman na mayroon siyang erosive gastritis at gastric ulcer. Bukod pa sa kaniyang autoimmune thyroiditis. — FRJ, GMA News