Hindi pinalampas ni Heart Evangelista ang hindi kanais-nais na komento sa kaniya ng isang basher sa Instagram tungkol sa kawalan niya ng anak.

Nitong Martes, nag-post si Heart ng kaniyang video habang namimili ng damit ng isusuot.

 



Sa kabila ng mga positibo at nakatutuwang komento sa video, may basher na nagsabing, “Para ka ng nababaliw, wala kasing anak na pagka abalahan.”

Tugon ng aktres sa basher, “ULOL. The only word your vocabulary can attain.”

 


 

Ipinagtanggol naman ng mga follower si Heart laban sa basher, bukod pa sa dami ng nag-like sa naging sagot ng aktres.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakatanggap ng hindi kanais-nais na komento si Heart tungkol sa kawalan pa nila ng anak ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Sinagot din kamakailan ni Heart ang netizen na nagtanong sa kaniya sa TikTok na, “Ba't 'di kayo magka-anak?"

Taong 2015 nang ikasal sina Heart at Escudero. Tatlong taon makaraan nito, nagkaroon ng miscarriage si Heart. —FRJ, GMA News