Matapos na tanggapin ni Senate President Tito Sotto ang "will of the people," nag-post ng mensahe ang kaniyang anak na si Ciara sa Instagram upang ipahayag ang paghanga sa kaniyang ama.

Sa caption ng larawan nilang mag-ama na ipinost ni Ciara, inihayag ng singer-actress na mayroon pa rin silang napagtagumpayan sa katatapos lang na halalan.

"Tatay, panalo parin [sic] po tayo sa pagmamahal ni Lord, sa mga TUNAY nating kaibigan, at sa PAMILYA na hinding hindi tayo iniwan," saad ni Ciara na naka-tag ang kaniyang ama.

"I love you so much, Daddy! I am proud so proud of you," dagdag pa niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole)

 

Sa unofficial tally, nasa-ikatlong puwesto si Sotto sa labanan sa vice presidential race na may 8,142,666 boto hanggang nitong tanghali ng Martes— FRJ, GMA News