Si Erika Rae Poturnak naman ang nag-post ng mga larawan nila ni Kobe Paras habang masayang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia.

Sa Instagram, anim na larawan ang ipinost ng anak ni Ina Raymundo. Dalawa sa mga ito ay kasama niya ang anak ni Benjie Paras.

Ang isa nilang larawan, selfie na kita ang mukha ni Kobe na nakalapit sa mukha ng dalaga. Ang isa pang larawan, may pagka-sweet dahil nakasandal si Kobe kay Erika at magkahawak ang kanilang kamay.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rikki ???? (@erikarae.p)

 

Simpleng tatlong cloud emoji ang caption ni Erika sa post. Habang si Kobe, nag-comment naman ng lizard emoji.

Una rito, nag-post si Kobe ng sweet photos nila ni Erika mula sa Bali. Nagsimula ito nang mag-post ang dalaga ng "bagong gising" photos, na nilagyan ni  Kobe ng comment na, "cute ka pa rin kahit madami kang kagat ng lamok."

Wala pang pahayag ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon pero maraming netizens ang nasasabing bagay sila. — FRJ, GMA News