Umani ng libu-libong likes at positive comments ang video post sa Instagram ni Andi Eigenmann na makikita ang kaniyang mga "kamot" o stretchmarks.

Sa video, ipinakita ng dating aktres ang iba't iba niyang outfit na  aniya'y "Ive been living in lately."

Sa video, ipinakita ni Andi ang pagteterno niya ng kaniyang mga kasuotan. May bahagi sa video na naka-two piece bikini lang siya at makikita ang kaniyang stretch marks.

Bagaman ang mga kasuotan ang nais ipakita ni Andi sa kaniyang video, nagpahayag ng paghanga ang kaniyang mga follower sa pagiging totoo ng dating aktres na iniwan ang showbiz at piniling mamuhay sa Siargao.

"Love those stretchmarks. Thank you for showing that. It reminds Moms like me that it's normal, it's okay, it's natural, and we can wear it proud," saad ng isang netizen sa comment section.

"Real beauty with a real body, embracing motherhood is love," ayon naman sa isa pa.

"This is the perfect Body for a real beautiful woman," tugon naman ng isa pang netizen.

"Strong hot momma! Those scars is a reminder that she's one tough momma," paghanga rin ng isa pang nagkomento.

 

 

Naglagay naman ng heart, hot at wow emojis ang ilang celebs gaya nina Jessy Mendiola, Valeen Montenegro, Karel Marquez, at Sugar Mercado.

Dati nang sinusuportahan ni Andi ang body positivity. -- FRJ, GMA Integrated News