Trending online ang pirmahan ng isang tatay at kaniyang anak sa kontratang “No boyfriend until 2053” sa Sucat, Muntinlupa.
Sa ulat ng Balita Ko, ipinakilala ang batang si Alex na apat na taong gulang pa lamang ay bawal nang mag-boyfriend.
Kaya naman ang bata, tila nag-alangan pa na pirmahan ang kontrata.
Only child si Alex ng mag-asawang sina Allan at Jenny.
Gayunman, katuwaan lamang ito ng mag-ama dahil natuto nang magsulat si Alex.
Umani ng maraming views at mahigit 300,000 likes ang video ng mag-ama sa Facebook. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
