Pambihira ang eksenang nakita sa isang nagyelong lawa sa Texas, USA dahil sa isang buwaya na nakulong sa yelo.
Sa video ng GMA Integrated Newsfeed, makikita ang frozen buwaya na nakabaon ang buong katawan sa yelo.
Pero ayon sa alligator expert na si Gary Saurage, kahit frozen na ang buwaya, nananatili itong buhay.
Nagagawa raw kasing makahinga pa rin ng buwaya dahil nakausli sa ibabaw ng yelo ang kaniyang ilong.
Brumation umano ang tawag sa ginagawa ng buwaya.
Kaya nitong pabagalin ang tibok ng kaniyang puso ng hanggang three beats per minute.
Dahil hindi kaya ng mga buwaya na i-regulate ang temperatura ng kanilang katawan, tumitigil na lang sila sa paggalaw kapag nagsimula nang magyelo ang kanilang lugar.
Samantala isang pambhirang lamang-dagat na tila "alien" naman ang nakita ng isang diver sa karagatan ng Queensland, Australia.
Tunghayan sa video kung ano ang naturang kakaibang nilalang sa dagat na nakita ng diver. Panoorin.-- FRJ, GMA Integrated News
